+ AKING INANG MAHAL + Siyam n buwan ika'y naghirap at nagsakripisyo
Masilayan ko lamang,magandang mundo
mula pagsilang hanggang paglaki,umaasa parin sau
Aking nararamdaman,dalisay na pagmamahal mo
Yapos ng bisig at hiwagang taglay nito
Sa iyong paglayo,labis ang aking pagluha
Mahal kong ina,tiniis ang hirap at pangungulila
Upang maialay mga bagay na di matamasa.
Sa mga larawan lamang nasislayan ang isa't-isa
Naalala mga araw na ipinagsama,sabay agos ng luha
Aking inang mahal,mga pangarap mo'y bibigyang katuparan
Isaalang-alang pagtitiis at pinaghirapan
Araw ay darating,pangungulila'y hihipan ng hangin
Tayo'y mgsasama-sama,hindi mawawalay sa piling ng isa't-isa
Tunay na pagmamahal,labis na maipadama
Tulang ito'y hindi napaghandaan, gusto kitang bigyang kasiyahan.
Kaya aking inang mahal,MALIGAYANG KAARAWAN. - Written by: Jenet Randoy - Dedicated to: Betty Randoy